Nakulong ang kaibigan ko dito sa Pilipinas pag ka galing nya ng US matapos sya ireklamo ng ex-wife nya (na galing din sa US) ng RA 9262 sa alegasyong me binabahay sya at me anak dito. Halos isang taon na silang hiwalay ng ex-wife nya sa US, hindi lang divorce. Marahas ang ginawang pagkuha sa kanya ng mga pulis na parang isang kriminal, pilit isinakay sa mobile nang sabado ng gabi habang pababa ng sinasakyang traysikel. Grabe ang harassment na ginawa para takutin silang dalawa ng babae, na pinagtataka nya na hindi naman ginagawa sa mga operasyon ng pulisya (dahil me mga kaibigan din kaming pulis). Pati ang piskal, mararahas na salita ang pinagsasabi sa kanila, na parang guilty agad sila. At bakit ginawa ang pagdinig ng piskal araw ng Linggo, alas 6 ng gabi? Ang mga circumstances na ito ay nag bigay ng ibang kulay sa tunay na dahilan ng pagdala sa presinto sa kaibigan ko. Kinuha din lahat ng gamit nila (wallet, pera at alahas) sa presinto.Isang linggo syang nakulong pati ang babae, at hindi sya nakabalik ng US. Nang maka pagpyansya sya pagkatapos ng isang linggo sa kulungan, umatend sila ng hearing buwan buwan. Me kasong concubinage sa MTC at RTC naman yung RA 9262. Ang ex-wife nya pabalik-balik sa US at pinas tuwing me hearing dahil nga dun sila nakatira at nag ta trabaho. Minsan hindi nakakasipot ng hearing. Dahil mahal din pamasahe at mahirap magbakasyon sa work. Ang kaibigan ko nawalan ng trabaho dahil hindi na sya nakabalik. Mga gamit nya na kinuha sa presinto ay hindi na ibinalik. Nung kukunin na mga gamit nila sa presinto, ang sabi ng mga pulis kinuha daw ng asawa, tama ba yun? pagkatapos ng anim buwan dito ay nakaalis din sya palabas ng bansa sa tulong ng ilang kaibigan. Tumatawag sya paminsan minsan para makibalita sa kaso. Hindi sya makabalik dahil nag file ng Hold Departure yung asawa nya ng malamang nakalabas sya. Halos matagal nawalan ng hearing (apat na buwan) pag kaalis ng kaibigan ko. Bakit nagbigay ng ganung kahabang palugit ang korte? Sa ganitong sitwasyon, dapat pa bang ituloy ang kaso kung ang magkabilang partido ay parehas nasa labas ng bansa? Sa RA 9262, ang pagkakaalam ko dapat lalaki lang ang kasuhan, bakit kasama yung babae? Di ba dapat concubinage lang duon sa babae? Ano ang mga hakbang na dapat gawin ng abogado ng kaibigan ko? Hindi ba merong takdang panahon sa mga kaso, mag iisang taon na ang kaso nila wala pang ibang testigo at umupo sa korte kundi yung ex-wife nya lang? Parang moro-moro...ganito ba talaga sistema ng hustisya sa Pilipinas? Naghahanap lang po ng kasagutan para sa aking kaibigan.
Concerned Friend