Ang ginawa pong 13th month computation ng Sykes para sa 2011 ay mula Jan 1, 2011 hanggang November 2011 po lamang. Ang rason daw nila rito ay para maiwasan ang over payment para sa mga empleyadong magreresign agad pagkatapos na pagkatapos matanggap ang kanilang 13th month pay. Para naman pong napaka-unfair naman sa mga empleyadong di nagresign ng December, di po ba? Tiningnan ko rin po sa Phil Labor Code natin kung natatama ang kanilang sistema at nag-dispute naman po ako. Ang sagot po nila sa akin ay wala naman raw silang nilabag sa Labor Code patungkol sa ginamit nilang computation dahil naamyendahan na raw ang Labor code na nag-aaccommodate para sa mga hourly-based na empleyado dahil pang-monthly-based na empleyado lang daw and computation ng 13th pay ng Labor Code at hindi naangkop sa kumpanya namin na may mga hourly-based at part-timer na empleyado. Hiningan ko po sila ng kopya na mapagpapatunay sa sinasabi nilang amendment galing sa DOLE. Nais ko po sanang iattach ang kopyang sinasabi nila na aprubado ng DOLE pero di po enable sa attachments ang pagpopost dito. Nung binasa ko po ang kopyang binigay nila sa akin, ang pagkakaintindi ko po rito ay isa lang itong sagot sa isang tanong para makakuha ng permiso na aprubahan ang ganoong klaseng sistema pero di nakasaad na pinayagan silang gawin yun. Pagkatanggap ko po ng kopya nito, sumagot ako sa kanila at sinabi ko na walang statement sa liham na aprubado ang sistemang ginamit nila sa computation ng 13th month pay namin at parang binigyan lamang sila ng basehan para sa gusto nilang mangyari na kung babasahin lang din naman ay hindi sila pinapayagan.
Nakipagdiskusyunan din po ako sa kanila at tinanong kung ito pa rin ba ang sistemang gagamitin nilang computation sa susunod na taon, ang sagot nila sa akin ay oo.Nagtanong din po ako sa DOLE gamit ang kanilang website at ang sagot sa akin ng DOLE ay walang amendment ang Phil Labor Code patungkol sa 13th month pay computation and pay out.
Nangangamba lamang po ako sa tax na sinisingil sa amin paglabas ng 13th month pay. Ang 13th month pay po namin ay nilabas ng Dec 15, 2011 at Jan 15, 2012. Nakahiwalay po ang computation ng December at nilabas yun sa sumunod na taon (Jan 15, 2012). Ang computation po nila sa 13th month pay namin ay inclusive sa mga monthly performance bonuses na natanggap namin mula sa kumpanya kaya kadalasan po ay malaki ang tax ko. Hindi po ba ako dehado sa computation kung saan hiwalay ang December computation ng 13th month pay namin?