Hi Attorney!Magtatanong lang po ako ano ang dapat gawin sa case ko. Kinasal po ako ng 2004 and nagsama lang po kami in total ng 4 months. US citizen po kasi sya and during that time nagpakasal lang kammi sa pilipinas then he left na din. But bago po ang nasabing kasal meron po talaga akong boyfriend at alam po ng naging asawa ko yun. He knows na nagkaron lang kami ng problema kaya kami naghiwalay. Nagkaron lang po kami ng usapan ng naging asawa ko na tutulungan nya ako makapunta ng US so kailangan namin magpakasal. Sabi pa nya na if mag work e di itutuloy namin kung hindi di maghiwalay, atleast daw natulungan nya ako at matutulungan ko ang mga kapatid ko. kaso so umuwi ng pilipinas yung ex-boyfriend ko at sinabi nyang mahal nya pa ako, at ganun din naman ako sa kanya. During that time nasa US po yung asawa ko at ng malaman nya ay di nya inamin sa magulang nya tungkol sa nagpagusapan namin bago pa kami ikasal. Since then wala na po kaming communication, ngayon po ang may pamilya na sya sa US at napakasal doon. Ako din po na naman ay may anak na sa aking boyfriend na sinamahan.Nung kinasal nga po pala kami ay parehong wala sa pilipinas ang mga magulang nya, pero nag inilagay sa Marriage Contarct namin ay tatay nya nag nagbigay ng consent sa aming kasal, yun po ba ay pwedeng gawing grounds? At Eto po ang mga tanong ko;
1) Paano po mapapawalang bisa ang kasal ko? Ngbasabasa nadin kasi ako ng grounds for nullity kaso wala po ako makitang grounds. Sa legal separation din.
2) Kung sakaling magpapakasal ba ako sa pinas, pwede ba yun maging legal?
maraming salamat po attorney at sana ay matulungan nyo ako sa case ko.