Hi, i need an advice, bago lang po ako sa isang company, then may naging friend akong officemate ko na may asawa na, naging close kami pero hindi ako naging close sa iba since na-intimidate na ko at first.Bago ako maregular, nagkaron ng rumors na boyfriend ko daw yung lalaki which became my bestfriend, then my head and the hr talked to me about the issue, sabi nila usapang parang magkaibigan lang daw yun at hindi documented, its my first job, after a half year may lumalabas pa ring issue tungkol samen na dumating na sa puntong nakita daw kami nagmotel at naghahalikan during office hours.Kinausap kami sa HR office, documented na daw yun since nakausap na kami dati pa. Syempre nagdeny kami since hindi naman talaga totoo yun, pinapapirma kami sa documentation stated na agree kami sa na tacke na issue.
Violation daw po ng code of ethics ng company yun kasi1 (Engaging in scandalous or illicit relationships). ang tanong ko po.. bakit nila ilalagay sa record ko yun since hindi naman nila napatunayang totoo, nagtataka rin ako kung bakit madami daw nakakakita samen at nagsasabing totoo. madami silang binibintang samen. Hindi totoo, ang akin lang kung ayaw nila ako sa company pwede naman akong magresign na lang, pero may bad record pa silang nilagay sa 201 file ko.
Ano po ang pwede kong gawin? since hindi naman nila napatunayan?thanks po, sana matulungan nyo ako.