Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

More than 6 months on float status (BPO / Call Center)

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

kell04


Arresto Menor

Good day!! Ang status ko po ngayon ay employed pa din ako sa work ko pero more than 7months na ako naka-float kasi hindi ako mahanapan ng account ng pinapasukan ko. Ask ko lang po, pwede ba akong mag demand sa company namin na i-terminate na lang ang service ko since more than 6months na ako hindi mahanapan ng account at if ever i-terminate nga nila yung service ko, mababayaran kaya ako ng length of service ko pag inalis na ako sa company? 4 years na po kasi ako doon e. Actually nagsabi na po ako sa HR Manager namin kung ano nga yung status ko as of now so nagsabi na ako sa kanila na if hindi nga ako mahahanapan ng account e i-terminate na lang nila yung service ko para makalipat na ako ng ibang company dahil need ko na talaga mag work dahil may pamilya akong binubuhay. Hindi naman ako maka-pag start sa ibang company dahil nanghihingi sila ng clearance sa pinapasukan ko ngayon kasi ang gusto nila bago ako tanggapin e hindi na ako connected sa pinapasukan ko ngayon. Kaya lang hanggang ngayon e hindi pa daw nakakapagdesisyon ang higher management regarding sa concern ko. Ang sa akin lang e hanggang kailan ako maghihintay? Wala po ba akong magagawa para mapabilis ang kaso ko? I mean pwede ba akong mag file ng case sa labor nito? Or talagang iintayin ko pa ang action nila? And if ever na hindi nila ako i-letgo at ipa-continue na lang ang work ko, pwede ba ako humingi ng compensation sa 7months kong paghihintay na magkaroon ng work sa kanila? Advance Thank's po ng marami at pasensya na sa madami kong tanong.

attyLLL


moderator

i'd say you already have been constructively dismissed. max float status is 6 months. you are entitled to separation pay. you can also initiate a complaint at nlrc.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

kell04


Arresto Menor

Thank's po sa answer. One more thing lang po. What if ituloy ko na lang ang employment sa kanila, may makukuha ba akong compensation sa 8 months kong paghihintay na mailipat nila ako ng account or mabigyan ng work? If wala man, kung bumalik na po ako sa work and then after 1 or 2 months e i-float po ulit ako or mag close yung account at ma float po ulit ako, Wala po ba akong aksyon na magagawa about it? Thank's po ulit..

kell04


Arresto Menor

Isa pa po pala, kung nakalagay po sa labor code natin na dapat not more than 6 months lang naka-float ang empleyado e diba po dapat alam na ng HR namin ang gagawin sa amin? Bakit po tinatanong pa po ako nila if gusto ko daw ituloy pa ang employment sa kanila? Saka di ba dapat kung more than 6 months na ako naka-float e di bakit di pa nila tinerminate yung service ko at bayaran ako ng seperation pay? Hindi ba dapat automatic na yun na more than 6 months na nakafloat ang empleyado e i-clear na lang nila sa company pero ang sabi sa akin is paguusapan pa daw kung ano gagawin talaga sa akin kasi up till now is ni-raise pa lang daw nila sa operetion manager ng mismong company yung concern ko at wala pa din daw natatanggap na sagot ang HR mula sa kanya. Nagdadalawang isip na talaga ako if tatanggapin ko na lang yung offer nila na ibalik ako sa work kasi what if after ilang months nga e ma float na naman ako saka feeling ko baka paginitan na lang ako ng HR dahil medyo nagdedemand na ako kaya lang karapatan ko din naman mag demand dahil 4 years na ako at regular employee tapos sila na lumagay sa kalagayan ko na more than 6 months ng walang work tapos may family pa ako na binubuhay. Hindi ko na po alam gagawin ko kaya sana mapayuhan nyo ako ng tamang gagawin at tamang desisyon. Maraming maraming salamat po.

attyLLL


moderator

you can send them a letter seeking reinstatement or file a complaint at nlrc.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

kell04


Arresto Menor

I've just filed a complaint at nlrc. Thank's!!!

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum