Pero before po mangyari yung insidente na may nakakita sa warehouseman na naglalagay ng stocks sa likod ng kotse nya, nahuli na po siya namin dati ng kasamahan nya sa warehouse, ang pagkakamali ko lang po dun is hindi ko po sinabi sa boss ko dati na nahuli namin siya that time. Nakiusap po kasi samin, and sabi nya, first time lang nya gagawin yun, since hindi naman po nailabas yung stocks, pinalagpas ko po yung pangyayari. Sa madaling salita po, binigyan ko po siya ng second chance.
Ang malaking problema po is nung mangyari nga po yung insidente na may iba pang nakakita sa kanya na naglalagay ng stocks sa kotse nya, tapos sa akin pa po pinalabas yung kotse ng manager naming, parang ang nagiging hinala pa po ng management is kasabwat ako nung warehouseman, then sinabi ko pa nga po yung first incident na nahuli na namin siya dati. Binigyan po nila ako ng memo ng notice to explain and invitation for administrative hearing. Ini-explain ko po lahat ng nangyari pati po nung nahuli namin siya dati, sa tingin ko nga po, is my fault po ako sa unang insidente na hindi pagkakasumbong sa kanila. Kaso po sa memo po nakalagay is
Committing other acts of inefficiency and incompetence - written warning to dismissal
Encouraging other employees to violate company rules and regulation – suspension to dismissal
Engaging or conniving in anomalous transaction to the prejudice of the company – Dismissal
Committing other acts of dishonesty to the prejudice of the company – Dismissal
Tapos yung act ko daw po is appear to constitute serious misconduct, fraud, willful breach of trust and confidence and willful disobedience of company rules, which are causes for Termination of employment under Art. 282 of the Labor Code.
Feeling ko po, kahit anong explain pa po ang gawin ko is iteterminate pa din po nila ako based po dun sa hindi ko pagsasabi ng maaga sa natuklasan ko and based sa recent incident na nawala pa po yung ebidensya laban dun sa warehouseman dahil sa hindi ko po uli pagsita sa pangalawang pagkakataon.
Ano po ang dapat kong gawin? Should I wait pa po ba na matanggal ako sa work or mag-resign na po ako at hindi ko na po tapusin ang imbestigasyon nila. Ano po ang magiging effect nun sa akin at pwede po ba nila kong kasuhan? Until now, pumapasok pa din po ako at regular working pa din po yung ginagawa ko. Kaya lang po on may part, na-sstress po ako sa work dahil po sa nangyari. Maraming Salamat po.