Were having a big problem with the lesser. Ayaw po nya ibalik ang mga gamit ng tita ko. Wala pong BIR ang nagpapaupa. Hindi kasi nakabayad ng upa ang pinsan ko at ang mga gamit ng tita ko na asa abroad ay nasa bahay ng pinsan ko.
Matagal ng umalis ang pinsan ko sa bahay ngunit naiwan ang mga gamit ng tita ko sa bahay. Nung kukunin na namin mga gamit eh pinagbabayad kami ng nagpapaupa para makuha ang mga gamit.
Ayaw nya ibigay ang mga gamit hangang di daw kami nagbabayad. kung hindi daw kami makakabayad eh ibebenta daw nya ang mga gamit ng tita ko. masmahal po ang mga gamit ng tita ko kumpara sa hindi nabayarang renta. ano po ang dapat namin gawin.?