Noong December po ay hinihingian kami ng payments para doon sa utang nang misis ko. Nagbigay po ako ng apat na post dated check dated 12/28/2011; 1/28/2012; 2/28/2012; and 3/28/2012 ang problema, hindi pa po December 28,2011 ay sinabihan ako nang collection agency na hindi daw tinatanggap yung check na inisyu ko sakanila. eh nasa bicol na ako noon for holiday vacation. So ang ginawa ko nagrequest ako nang new check sa bangko ko pagbalik ko ng manila, medyo natagalan bago ako naisyuhan ulit.
Yung pera na nailagay ko doon sa bangko na pambayad sakanila ay nagalaw ko muna dahil nagkaroon ng emergency. Kahapon dapat ay mag iisyu ako ulit sakanila nang bagong check pero ang ilalagay ko sa unang check ay Feb.13 na dahil dyn sa petsa na yan pa lang ako magkakaroon ng pera pambayad, pero hindi po pumayag yung Agara dahil daw sobrang delayed na daw nong date na dapat ay nag bayad kami.
Ang hindi ko po maintindihan ay bakit yung DREAMHAUZ or yung developer ng binibili naming bahay eh hindi naman tumalbog yung naisyu ko sakanilang check.
Ngayon ngayon lang po ay nagtxt sya na ededeposit yung lumang na isyu ko na check sakanila and nagbabanta na alam nila na tatalbog yung check dahil walang fund at kakasuhan daw nila ng creminal case ang asawa ko dahil sa magbbounce na check.
Tama po ba ang ginagawa nila?
Pwde ko po ba silang kasuhan din dahil sa pagsasabi nila na hindi tinatanggap yung na isyu ko na check tapos ngayun ay eencash nila para tumalbog ang check then magffile sila ng case against sa asawa ko?
Sana po ay matulungan niyo po ako.