Good day. and maraming salamat at merong ganitong site na pwede pag tanungan. sana po matulungaun nyo po ako. pinabinyagan ko po ang aking anak at ang kainan po ay sa isang kilalang hotel sa q.c. pag dating po namin dun sa reception and sabi po sa amin ay wala kaming reservation, pinakita po namin ang resibo kasi kasi fully paid naman kami. ang ginawa po ng hotel ay minadali nila ang pag-aayos ng reception area habang ang mahigit 60 guest ko po ang nag hihintay sa lobby at kung saan saan. sobrang pahiya po kami sa mga bisita namin at nasira ang magandang memory para sa amin kaisa isang anak. marami kaming pinagawa sa reception para maging maganda ang binyag ng anak ko tulad ng ballon at magandang cake. pero wala po lahat ng mga napag-usapan namin. tapos po 1 1/2 oras po kami bago nakakain. tapos po kinausap namin ang general manager ang sabi babayaran na lang daw ung mga kulang na hindi nailagay sa reception. sa sobrang gulo na ng pag iisip namin ay napapayag po kaming tanggapin ang inalok P2500sa amin pero nangako silang iaapela daw nila ang request namin na 50% ang ibalik sa amin dahil sa hindi pag tupad sa napag-usapan. ngaun ang hotel po nagpasyan magbibigay ng 3500 na gift check hindi ko po tinanggap kasi hindi po sapat un sa ginawa nilang kahihiyan sa mga bisita ang ang sinira nilang moment ng anak ko. habang buhay na namin maaalala un nangyari na un. ano po ang dapat kong gawin at ano po ba ang habol namin sa ganitong sitwasyon? maraming salamat po at sana po ay mapyuhan nyo po ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko. salamat po.