Good day! Gusto ko lang po magtanong kung pwede po ba ako magfile ng action para hindi na kami magulo o malapitan ng tatay ng anak ko? Kinasal po kami Jan. 2010 pero matagal na po kami nagsama. Nung hindi pa po kami kinakasal sinasaktan niya na po ako. Ngaun po may anak na kaming 3 yrs old na hindi niya naman binibigyan ng suporta. Ang huling pananakit niya po sa akin ay lasing siya nung Oct. Pagtapos po niya ako bugbugin sa harap ng anak namin umalis po siya sa bahay dala lahat ng gamit niya. Mahigit isang buwan po siya hindi nagpakita sa amin. Umuwi na po ako sa mama ko kasi wala po ako trabaho, hindi ko kayang bayaran yung bahay na inuupahan namin. Paglipas po ng mahigit isang buwan pumunta po siya sa bahay na parang wala lang nangyari. Pinaghihinalaan niya po ako na may karelasyong iba. babae at lalaki po. Kakasuhan Daw po niya ako ng pangangaliwa Marami din nakakarating sa aming balita na kung anu-anong kasiraan ang pinagsasasabi niya at ng pamilya niya tungkol sa akin. Ngaun po magbibigay lang ng gatas pag gusto niya, minsan maliit na box lang ng gatas sa loob ng 3 buwan. Tapos nagbabanta po siya sa akin na kukunin niya ang anak ko. Madami daw po siyang alam sa nakaraan ko. Ayaw din po niya ibigay yung birth certificate nung bata. Pwede ko pa po ba ipabago yun para sa akin ko nalang po ipapangalan yung anak ko? Ano po bang dapat kong gawin? Gusto ko po sana hindi niya na kami magulo o malapitan manlang tutal naman hindi na siya nagbibigay ng sustento. Hihintayin ko po ang inyong advice. Maraming salamat po!
Free Legal Advice Philippines