Wala pong verdict na bumaba after 2 months, so akala ko tinanggap ang explanation na ginawa ko.
So after 2 months, nagfile po ako ng resignation letter, tinanggap naman ng boss ko. 1 day after ko mag file ng resignation, kinausap ako ng boss, hindi daw tinanggap ang resignation ko dahil 2 weeks ago daw po ay may lumabas nang decision na terminated na daw po ang employment ko, hindi lang nila kaagad inilabas. dahil dito, wala po akong makukuhang anumang benefits tulad ng separation pay, etc. plus ang record ko pa ay terminated.
hindi po ba dapat ay RESIGNED ako at hindi TERMINATED since nauna ako magfile ng resignation?
Maraming Salamat Po.