Atty, dito ko na lang po nilagay ang aking problema tungkol ito sa isang lote na may nakatirik na mga bahay,ang mga occupants po rito ay walang permiso sa tunay na may-ari ng lote, ang sabi nila ay nabili nila ang rights para magpatayo ng bahay sa lote.Ang gusto po ng tunay na may-ari ay ipasukat ang lote para malaman kung ang mga bahay na nakatayo ay sumakop sa kanyang lote, ang problema ay ayaw pumayag ng mga nakatira sa lote na magsukat ang mga geodetic engr.
Ano po kaya ang mabutig gawin ng may-ari gayong kompleto naman po sa papeles ang may-ari. pupuwede po bang kasuhan ang lahat ng pumipigil sa pagpapasukat ng tunay na may-ari ng nasabing lote,kung puwede pong kasuhan ano naman po ang pwedeng ikaso sa kanila.
Thanks po sa magiging payo ninyo mga sir.