may existing arrears pa po kami sa developer ng house and lot na pinurchase namin thru pag-ibig, hindi po kasi naging sapat yung nakuha namin sa pag-ibig, nasa 74k pa po ang arrears.
buhat po nung june up to now di pa po kami nakabayad sa kadahilanan na di po sapat ang remitance namin. Last august po, nagpadala daw po ng demand letter ang developer na di umabot sa amin, sa kadahilanan na sa kapitbahay po ito nadeliver.
nalaman ko lang po yun, nung puntahan ako ng secretary ng developer. That time po, humingi yung secretary ng undated check para daw po ibigay sa manager nila.ipinaliwanag ko po sa secretary na ang pinaka siguradung date na makakabayad kami ay sa june 2012 pa po, dahil dun pa po makakatanggap ng housing allowance ang husband ko. lumipas po ang ilan buwan, at di na ako nakarinig sa kanila.until last month po,november, pinuntahan ako ng secretary at sinabi sa akin na kinukulit daw siya ng boss niya. so pumunta po ako sa office nila,di ko dinatnan yung boss nila. nakausap ko po dun yung naging agent namin nung bumili kami ng unit sa kanila.sinabi sa akin na di naman daw nagmamadali yung developer na singilin kami sa mga arrears namin, sinabi rin nya na pwede ko naman hulug hulugan yun.inexplain ko po sa kanya ang financial situation namin, na may mga hinihintay naman kaming pera, kaya lang di ko lang matiyak kung kelan, binanggit ko rin po na sa june 2012 ay sure na mababayaran yung arrears. nag iwan po ako ng sulat para sa developer, sinaad ko po sa sulat ko ang kadahilanan bakit di kami makabayad sa mga panahong ito, at humihingi pa po ako ng palugit. di na rin po ako narinig ng anu mang updates mula sa kanila mula noon. kaya lang last friday po may inabot na naman sulat ang kapitbahay namin, at sila na namn ang nakatanggap nung registered mail, na naglalaman nga po ng final demand letter. Ang tanong ko po, ano po ang dapat kong gawin ngayon? pwede po bang ako na mismo ang pupunta sa lawyer nila?wala po kasi akong pambayad sa lawyer. o pupunta po muna ako ulit sa office nila? salamat po.