last january 2011 nag apply po ako ng marriage license. then dumaan sa normal process im 25yrs old ng mga time na yun and hiningian pa din po ako ng PARENTAL ADVICE or PARENTAL CONSENT ng munisipyo. dahil sakop pa daw ako sa 25 yrs old and below dahil December pa ako mag 26 and na grant nmn po ang aming marriage license dahil nakapag bigay ako ng sinasabing request nila. pero sa kasawiang palad ay hindi po natuloy ang kasal at nag hiwalay kami ng GF ko.
then same year po APRIL 2011, naka kilala ako ng isang girl 27yrs old at nag pa secret marriage kami sa cubao sa isang law office " TARQUEZA *something* ".
then MAY 21 2011.
bale ganito po ang nangyari sa Secret marriage. basta nag usap kami sa txt den pinapunta kami dun sa law office at nag bayad ako ng 3,500 then PINAPIRMA kami sa mga papel regarding sa marriage. pero WALA pong CEREMONY at WALANG nag SOLEMNIZE sa marriage namin. then wala din pong RING. at mga WITNESS. basta ang humarap lang po sa amin ay ung nag babantay ng law office at HINDI po mismo ung ATTY ang kaharap namin. at sinabi po sa amin na IBANG ADDRESS daw po ang gagamitin namin dun sa papers at sila na daw po ang mag LALAGAY nun. at sinabi po sa amin na intayin na lang ang txt nila para kunin na lang namin sa kanila ung mga papel ( MARRIAGE CERTIFICATE and CTC ). Hindi na rin po kami hiningian ng MARRIAGE LICENSE ng mga araw na yun. nagtaka ako kung bakit hindi nila ako hiningian samantalang noong january 2011 eh hinahanapan ako ng MARRIAGE LICENSE noong balak naming magpakasal sa JUDGE noon ng dati kong GF. pero hindi ko na lang pinansin.
ang mga ito po ay naganap noong MAY 21, 2011 pero ang nakalagay sa MARRIAGE CERTIFICATE namin ay MAY 23, 2011.
then lumipas ang ilang araw at lumabas na po ang nasabing papel at naka rehistro po ngayon sa NSO ( OCT 29, 2011 naipasok ) ang naganap na kasal.
Pero ngayon gusto ko na po cyang hiwalayan due to some reasons na hindi po talaga kami mag kasundo at lagi na kaming nag aaway.
Valid po ba talaga ang MARRIAGE namin?
Pwede pa po bang ma NULL AND VOID ito?
Ano po ba ang dapat kong gawin para makahiwalay na po ako sa kanya ng tuluyan.
samalat po sa advice na maibibigay nyo