Heres the situation.
I am happily married w/ 3 kids. May dating kaibigan ako na ngayon ay sinisiraan ako sa lahat ng tao using words na napakarami ko dawng lalake at sinisiraan ako pati sa office na pinagtatrabahoan ko. Nagalit kasi siya sa akin dahil sa kanyang kapatid na matagal ng may gusto sa akin. Hindi ko naman pinapansin ang magandang pakikitungo ng kapatid niya nuon sa akin subalit may isang pagkakataon na sinasagot ko ang mga text niyang panliligaw. Ngayon ay pinapalabas nila na ako ang lumalandi sa kapatid niya at sinisira ang aking buong pagkatao. May isang tao handang magbigay ng affidavit niya na nagsabi talaga daw nagsasabi ng mga masasama laban sa akin ang magkakapatid na ito. Nagbabanta pa ang guy na sisrain niya ang pamilya ko. Ayoko malagay sa alanganin ang kapakanan ng pamilya ko. Ano po ba dapat kung gawin tungkol dito?