Ako po si Norland 23 years old at isa pong sole proprietor ng isang maliit na business.
Ito po ang aking sitwasyon:
Ako po ay nagtayo ng trading business last August. at maayos at maganda naman ang aking maliit na negosyo. Nakakakuha po ako ng mga client company at maganda naman ang feed back nila sa aking negosyo.
Meron po akong isang pamilyang kakilala dati silang may kaya at kilala ko rin naman sila bilang magaling na negosyante (pero nalugi po sila dahil sa kakulangan sa disiplina) sinama ko po sila sa aking isang proyekto dahil medyo malaki po iyon at isa pa ay para makatulong po ang kanilang kaalaman. Ang usapan po namin nuong una ay 50/50 sharing sa kikitain. Ayos lang naman din saakin dahil nakakatulong din naman talaga sila. dahil pumapasok din po ako bilang Call Center Agent kaya wala akong time na makapag focus ng maayos sa negosyo ko. Pero di nag tagal parang nasa kanila na ang buong operation ng kompanya (tumatanggap ng checke, pumipirma ng kontrata etc.) Hanggang sa nakabili na sila ng mga gamit pang personal. Di nag tagal nang matapos ang huling proyekto namin sinabi nilang nag bago na daw ang usapan. hindi na daw 50/50 ang hatian dahil hindi na naman daw nila ako nakakasama ng matagal. Pangalan lang daw ang share ko.
Ngayon nangangamba po ako dahil ako po ang nakapangalan sa kumpanya at ako din ang nakapangalan sa mga telepono at internet.
Napayuhan po ako ng mga kaibigan ko na umalis na sa kompanya at ipaubaya na dahil madadamay po ako kung ano man ang kabulastugan na gawin nila.
Papaano po kaya ako makaka alis legally sa kanila?
Gagawa daw po ako ng Resignation Letter then ipa notarize para maging public document.
Salamat po sa mga mag bibigay ng advise
(At pasensya na din po dahil hindi po ako maayos mag sulat. paki intindi nalang po)
Norland