Sir ask ko lng po tungkol sa bahay na isinanlang tira. Isinanlang tira po yung bahay last 2009 sa halagang 100k, ang kontrata po ay 3 years. May ginawa po kaming kasulatan kasama ang mga nagastos sa pagpapaayos ng mga sira sa bahay kaya umabot po ng 120k. Nakapag bigay na po kami ng 50k kaya may kulang pa ng 70k. Ang gusto po kasi ng pinag sanlaan namin ay lilipat na sila sa pinagawa nilang bahay at papaupahan nila yung bahay na isinanla namin sa kanila. Ang tanong ko po may karapatan po ba sila na paupahan nila ito kahit nakasanla lang po sa kanila ito? Sino po ba ang mas may karapatan ?
Maraming salamat po and Godbless....