May nag issue po sa akin ng checks, 2 different person at parehong nag bounce ang checks at ibinalik sa akin ng bangko. Ang amount involved ay Php 148,000 at Php 87,000.
Ano po ang pwede kong gawin? Pwede po ba ako magsampa ng kaso para mapilitan magbayad o makulong ang nag issue sa akin ng checks. Saan pong lugar ako magsasampa ng kaso kasi taga Laguna po ako at ang address ng nag issue ng checks ay sa Quezon City at Bulacan. Sa korte ba o sa police station ako magsampa ng kaso?
Salamat po.