Bothered pa din ako sa mga nangyayare ngayon sa kin Atty. Here's my story po. Kumuha po ako ng cellphone Blackberry Torch sa Best Buy last April 2011. Ang nagfinance po ng loan ay si Asialink. Nag submit ako ng form thru email kase nakita ko ads nila sa website. Then pinasa ko yung 1 month payslip, Company Id at Meralco bill then nakasulat doon na need ng co maker kase since nakikitira lang naman ako sa lola ko pero technically 22 years na ako dito. So pinasa ko na, then at the same day "credit investigation" na agad after lunch yun so umaga ko sinubmit yung requirements. Then yung CI Agent may pinapirma sakin Application Form, Promisory Note Contract at kung anu anong contract then nag request ako na humingi ng copy na may signature ako kase need ko for future reference at maganda ng may pinanghahawakan ako. Sabe nila "Yes daw" so wait na lang ako ng 2 to 3 days kung approved or not. Naghintay naman ako, then nag text na sila after 3 days approved na yung loan ko. Bayad ak ng downpayment 7,000 then pipirma ng post dated check daw po.. So hinihintay ko bigyan ako ng receipt for my downpayment, wala binigay sakin. Then pirman naman ako ng PDC sabe ko lagyan ko ng date sa taas ng check, yung amount at kanino ko babayaran.. Sabe nila okay daw yun, sila na bahala dun.. Tapos sabe ko pwede po bang ipaphotocopy ko yung PDC sabe oo daw. Naghintay naman ako. Until then inabot sakin yung Blackberry Torch. After nun, nagtaka na ako bakit sila ganon.. I mean FINANCIAL INSTITUTION sila ganon ang system nila.. parang yung credibility nila nakakapagtaka. Nagbayad naman ako on time ayon sa napagkasunduan date. wala po talagang binibigay na resibo sa akin. As in. wala po talaga. So i decided na hindi na po magbayad talaga kase as per BIR kelangan natin na mag demand ng receipt. May nagpunta ng Collection Agent ng Asialink 3 months na akong deliquent. Tinatakot ako ng sobra Atty. kesyo kukunin yung phone ko, pati gamit sa bahay kukunin. May binigay sa akin na Statement of Account kung magkano na lang ang utang ko yung information ko.. Nagulat po ako na may co maker ako sa Asialink.. Ang co maker po kase either kasama mo sa bahay or relative ko yun ang nakasulat sa terms nila. At sa umalis ako muna ng bahay ng 2 months dahil sa hindi pagkasundo sundo sa bahay.. Pumunta ulit sa bahay.. kailangan na daw po yung payment.. at sinabe po sa pamilya ko yung loan ko sa asialink pati yung details ng term ng loan, sino yung co maker ko na wala naman talaga akong co maker.. Hindi ko po alam ang gagawin ko Atty. May habol po ba ako sakanila? Pwede po ba na gawing ground for not paying them ang ginawang process nila sakin? Or Do I need to coordinate with them. Until now, hindi pa ito ayos. Magulo pa din sila. Yung hinihingi kong request wala pa din. Please help me po.
Thanks