Good day po.... isa po akong OFW. nakapagloan po ako sa asialink october last year. nakasakay po ako ng katapusan ng october pero napauwi po ako ng november katapusan dahil buntis po ako at delikado po ang pagbubuntis ko sa trabaho ko. wala pa po akong nababayaran sa kanila pero last dec. po nakiusap po kami sa kanila na i hold ang check namin dahil wala pa pong pondo pero ipinasok pa rin po nila. sinabi ko po yung situation ko. pero talagang pinipiga po nila ako sinabi ko po na babayaran din nmn po namin pag nagkapera pero d po kami nangangako ng date ng asawa ko dahil wala nga po talaga kami. may mga tumatawag sa asawa ko at sinisigawan sya, binababaan ng telepono kahit nakikipagusap namn kami ng maayos. ayaw na po ng asawa ko na ako ang makipag usap dahil baka kung mapano pa daw po kami ng anak ko. tapos alam na po nila na wala na kaming pinambabayad derecho pa rin po ang pagdeposit nila ng checke sa bangko. tapos nakatanggap po ako ng text na pag hindi daw po kami ngbayad, ipopost daw po picture namin sa newspaper. nakiusap po kami ng asawa ko sa kanila pero diretso pa rin po sila. ang gusto po nila na gawan namin ng paraan na mabayaran yung hindi na bayaran na utang sa kahit na ano daw pong paraan.... hindi po kami makapangutang sa iba dahil magpapatongpatong lang po yung utang namin. sabi nila na isasampa na daw ponila yung kaso sa korte para daw po hindi na ako makaalis ng bansa. anu po kaya pwede naqming gawin kasi wala po talaga kaming maibabayad sa kanila. sapat lang po ang kinikita ng asawa ko sa pang araw araw naming gastusin dito sa bahay. sana mapayuhan nyo po ako.