Atty 2 years na pong nagooccupy ang isang mining company sa aming lupa, nung una po ay nakakausap pa po namen sila at hiningian nga po kame ng mga requirements, nung makumpleto po namin ang lahat ng mga hinihingi nila (land title, sketch plan, tax declaration, surveys, etc..) ay iniignore na po kami atty. halos hindi na po namen sila makontak...Ano po ang dapat naming gawin atty? Pwede pa po b namin na habulin ang 2 years na pinagstay nila sa lupa po namin? Di po kasi namin alam ang susunod na hakbang na kailangan naming gawin.
Salamat po!