5 buwan po akong hirap na hirap ang kalooban sobra po sama ng loob ko sa ginagawa ng asawa ko,akala ko nga po magkakasakit nko, dahil tuwing hapon po kinakabahan n ako dahil alam ko magkasama nnman ang asawa ko at ang kabit nya.. sinasabi nya palagi na overtime sya, araw araw po yun.. nahuli pa po sila ng dady ko n gumigimik kasama ang pinsan ng asawa ko, magka akap daw po ang asawa ko at kabit nito, kya nilapitan sila ng dadi ko at sinuntok s tyan ang asawa ko.. wala daw po yun, nagkita lng sila nung babae dun ng d sinasadya..hanagng itong october may nakita po ako sa internet n picture nila nung kabit nya na nka kiss po sya sa pisngi nung babae, nka akap, pinigil ko po muna sarili ko,kc tnrack ko po sya gusto ko din mahuli sila sa akto nun babae, hangang sa nakita ko sila sa isnang gimikan, 9 na po ng gabi yun, nahuli ko sila mgkasama, nag uusap lng daw po sila tungkol sa business..samantalang sabi nya po wala na sila contak nung kabit nya. pinaalis ko po un babae at sinundan tsaka hinila ang buhok..
tanong ko po atty.
- my pwede po ba ako ikaso sa dalawa?
- sa lahat po ng hirap n pinagdaanan ko sa asawa ko? emotional..
- sa kabit po ng asawa ko na alam nya nman n may pamilya na ang asawa ko sige pa din sya.
-kung mabuntis nya po ung kabit nya pano po?
-inimail ko po un babae, sabi ko kabit sya, pwede nya ba kasuhan nun?
- pwede nya po bang mahiram ang anak nmen kahit baby pa ito? 4 monts old.
-kung pwede po ilang taon o ilang buwan ang bata bago nya ito mahiram?
- pano po kung d nya ito isauli sa akin?
-humiwalay na po ako s knya.. pwede po ako humingi ng sustento?
- nasa akin po ang ATM nya pag sweldo po, 3k n lng po ang laman nun, posible po ba na ipabawas n nya sa HR nila ang sweldo nya para s knya at itira lng ang 3k?
MARAMI PONG SALAMAT ATTY.