hingi lang sana ng advice. nagkautang kasi kaming mag asawa sa Asialink finance at pangalan ng nanay ko ang principal borrower kasi yon ang sinabi ng agent. di nmin balak na takbuhan ang utang na yon kaso sa di sinasadyang pagkakataon na deport kaming mag asawa from abu dhabi kasi nagkasakit ang asawa ko at kailangang d2 sa pinas magpagaling. sa ngayon po ay wala kaming trabaho mag asawa at sinabihan kami ng taga asialink na kung di kami makabayad ipapakulong nila ang nanay ko. kawawa nman po nanay ko kung makulong di nman po cya ang gumamit sa pera tapos cya ang magdusa sa utang nmin.
ang utang po nmin ay 60k lang ang naapproved then 54k lang ang nakuha nmin dahil nag open kami ng account sa UCPB worth 4k at nag issue ng 9 cheques sa Asialink. nkabayad na po kami sa kanila ng 3 months worth 13,500/month kasi may penalty na daw. Sa ngayon umabot na daw uli ng 90k ang utang nmin sa kanila kasi 8 months na kaming di nakabayad. help po. ipapakulong daw nila ang nanay ko kung di kami magbayad. walang wala po tlga kami ngayon, di nman po nmin ginusto na mapauwi d2 sa pinas.