Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

may utang sa member ng lending(at inakusahan po ako stafa ng company)

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

myrna_tulagan


Arresto Menor

Good day po!

salamat po sa site niyo at need ko po talaga ng advice. nagtrabaho po ako sa isang microfinace company. okay naman po nung una.. hanggang sa dumating po yung time na yung manage namin, pinipilit niya kami mag-abono para sa members. sa kagustustuhan ko din pong maregular agad sumunod lang po ako sa agos. Meron po yung pagkakataon na inuutusan ako ng manager namin manghiram sa members pero verbal lang po at binabayadn po agad. sa pang five months ko pong stay sa company na iyon, dumating yung time na turn ko na po mag-TELLER. dito na po nag-start ang worst problem ko. unang araw pa lang po nawalan na ako ng 4k kaya ang ginawa ko po nangutang po ako sa isang member na may kasulatan.ang inaasahan ko po na ibabayad sana ay yung paluwagan namin. Ang hinala ko po kasi may mga utang yung manager namin sa ibang members at yun na yung ginawang hulog at hindi complete ang remit sa akin.. bago lang po ako kaya hindi ko po alam kung ano pong klase ng sistema meron ang manager namin. sa pangalawang araw po ok naman po ang pera at cash count po for deposit.. hanggang sa nasarahan na po kami ng bangko at di na pwede mag-deposit kaya sa vault na po nailagay ang pera. bakasyon na po nung time na yun.. at nagsi-uwian po kami. tapos bumalik po ako office ng saturday.. pero para na po akong kinakabahan. kaya sunday ng gabi sabo ko po sa manager namin, sir pwede po ba nating cash count pera? hindi ako nagkamali ng kutob po kasi kulang ng 7k. umiyak na po ako nun at sabi ng manager ko, kumpleto yan wag ka mag-alala.. pero kinabukasan yun pa din ang kulang 7k po. kaya umutang po ulit ako sa members (6 na members) po pero verbal lang po. nagdecide po ako magresign at tyaka ko sinabihan mga member na wag mag-alala at babalik ako para magbayad. ibig sabihin po, sa mga members po ako may utang at hindi sa opisina. bumalik po ako dito province namin at tuloy comunication sa mga members.. hanggang sa nawala po ang sim ko.. pero nung time na yun naghahanap na po ako ng work.. after 2 years po heto nakaipon na po ako ng pera para maibayad.. kinontak ko po yung isang Account officer dun sa branch na pinagtrabahuan ko. nabanggit niya na, gumagawa na daw sila hakbang para maipablocklisted po ako.. buti daw po at kinontak ko sila para daw gumaan kaso ko. ang sabi po niya dun po sa Area manager ako makipag-usap at dun ko na daw settle bayad ko. kaya nakipagkasundo ako sa A.O na makipagkita kay A.M ng April 30 po. until kagabi nga po, kinausap ako nung dati ko po kasama na concern sa akin. ang sabi po niya, wag na wag daw ako pupunta dun basta at baka ikulong daw ako o ipadakip at baka hindi na ako makauwi. at wag ko daw sa management iabot yung pera. kundi dapat sa member na nautangan dapat. hindi ko po alam ang gagawin ko sir. usto ko po sana makipag-usap sa main para masettle acount ko. pero natatakot ako at baka po makulong ako at hindi na pauwiin.. sir, ang sabi pa nung kasama ko yung manager namin at yung 2 na nakasama namin ay idiin ako kaya ako po ang hotspot dun ngayon.. give me advice po.. problemado na po sir.. gusto ko po linisin pangalan ko.. at patunayan na mali ang paratang po sa akin. 'hope for your reply at salamat po..

God Bless

attyLLL


moderator

so how much in all is missing?

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

myrna_tulagan


Arresto Menor

P11,000 po sir. salamat po sa reply

myrna_tulagan


Arresto Menor

Good day po. I am waiting for your reply po. Salamat

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum