Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

need advice

Go down  Message [Page 1 of 1]

1need advice Empty need advice Fri Oct 21, 2011 10:24 am

ybbob atistuab


Arresto Menor

hi. gusto ko lan po humingi ng advice re sa ex-wife ko. naghiwalay po kami more than 2 yrs na dhil sa sobrang pagseselos at pagdududa nya. sa loob ng 10 yrs nming pgsasama nging tapat po ako sa kanya at tiniis ko ang pagmamando nya sa akin pra wala na lang away. ngunit napuno na po ako at nakisali pa sa away naming mag asawa ang kanyang kapatid.sinugod po nya ako sa aking pinagttrabahuhan at pinahiya doon ksma ang kanyang kapatid at aking anak. pinipilit nla akong umamin sa kasalanang d ko nman ginagawa. hanggang nagpasiya akong umalis sa aming bahay at pumisan sa aking mga kmag anak. simula noon hindi na ako bumalik sa aking mag ina at kung may pagkakataon ako po nman ay nagpapadala ng sustento pra sa aking anak. tuwing sahod ako po ay kanyang tinatawagn sa trabaho upang humingi ng sustento. kpag ako po ay nadelay makapagpadala sinusugod po ako sa aking pinagttrabahuhan upang hiyain at pilit po nya akong pinapaamin na may kinakasamang iba. pinagkakasya ko lamang po aking sinasahod since ngbabayad na po ako ng renta sa aking inupahan at pra sa pang araw2 kong pangangailangan. kpag sapat nman po ang natitira ay aking pinapadalhan ang aking anak. nitong nakaraang buwan ay sinugod na nman nya ako sa aking pinagttrabahuhan at akoy kanyang sinaktan sa harap ng aking mga ksamahan sa kadahilanang may nakita syang picture sa facebook na ako ay may kasama babae habang kumakain sa restaurant. dahil sa eskandalong ginawa nya ako po ay pina forced to resign ng aming kumpanya dhil makailang ulit na po akong ineeskandalo ng aking asawa. 3 beses na rin po ako tinransfer ng ibang lokasyon sa manila upang makaiwas sa panggugulo ng aking asawa ngunit sa ngyari nitong huli ako ay di na tinanggap ng kumpanya. ngaung nalaman ng aking asawa na wala na akon trabaho, lumapit po sya sa pao upang maghain ng reklmo at humingi ng sustento. may sulat pong pnadala para sa akin bilang imbitasyon pra pag usapan ang aking sustento sa aming anak. ano po ang aking gagawin ngaung wala po akong trabaho? wala din po akong abogado ngunit nagnanais po akong mapawalang bisa na ang aming kasal upang maputol na ang kung anomang ugnayan ko sa kanya maliban na lamang sa aking anak. gusto ko na pong mabuhay ng tahimik at makapagtrabaho uli ng maayos. ang anak po namin ay isa lan po 11 yrs old. nalason na rin po ang pag iisip ng aking anak pagkat sinasama po nya ang aking anak sa tuwing mag eeskandalo sya. ang aking asawa po ay nagttrabaho at mas malaki ang kanyang kinikita kumpara sa akin ngunit nakuha nyang hmingi ng advice sa pao. sa loob po ng 2 taong paghihiwalay namin marami po syang kwentong nabuo at pinagkakalat upang ako ay masira. sana po ay matulungan nyo ako. my schedule po ng invitation sa pao sa darating na lunes. ano po ang maari kong gwin?
maraming salamat po

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum