may masalimuot na problema po kasi yung birth certificate ko
eto po ang details:
birth date: august 8, 1983
age: 28
hospital: ospital ng maynila
kumuha po ako ng copy sa NSO kaso wala daw po akong record. pinabalik ako sa manila city hall. pagdating ko dun wala din daw silang kopya. punta daw ako kung saang ospital ako pinanganak.
meron naman akong record sa ospital ng maynila
ang nakalagay "august 9, 1983, baby girl + surname ng nanay ko"
kaso di pa daw nila na-forward sa manila city hall kasi wala daw po pirma yung tatay ko nung pinanganak ako. nasa probinsya po kasi ang tatay ko pero kinikilala po talaga nya akong anak. patay na po din sya ngayon.
sabi ng clerk sa OM, pasa lang daw ako ng requirements at sila na bahala mag-forward sa manila city hall tapos po yung manila city hall na ang magpo-forward ng documents sa NSO
kulang po yung requirements ko. wala po akong marriage contract ng magulang ko
di na po ako bumalik sa ospital kasi tingin ko po pag sinabi ko na walang marriage contract, papagamit nila sa akin yung surname ng nanay ko
28 na po ako ngayon
lahat ng records ko college diploma, ITR, employment, NBI, SSS, etc. lahat po surname ng tatay ko gamit ko.
kapag po ba sinabi ko sa ospital na walang marriage contract ang parents ko mapipilitan akong gamitin surname ng nanay ko? isa pa problema august 9 record ko sa ospital.
atty paano po kaya ang maiging gawin?
maraming salamat po
God bless