May unpaid bank debt kami na 50K. Last January, tinawagan ko yung collection agency para magbayad ng 25K pero ang sinisingil sa amin is 280K. Ayaw tanggapin ng collection agency yung 25K na paunang bayad. Ang sabi pag ndi ko nabayaran ng buo, magsampa sila ng civil ang criminal case.
I called Makati Metropolitan Trial Court kanina, and confirm nila na may decision na yung civil case ng asawa ko last 2007 pa. Nagtanung ako ng details, sabi need magpay ng 65,000 plus 1% per annum at ang sabi makipag-arrange na lang kami sa bank.
Questions:
1. Alin po ba ang kailangan masunod? yung sinasabi ng Court decision or Collection Agency. Do we have to talk directly sa bank and ask ko settlement?
2. Possible po ba na kasuhan ulit kahit nag-attempt naman kami na isettle?
3. Fair ba yung sinisingil na 280k?
4. Pwede ba mag counterfile ng complaints sa collection agencies dahil sa mga verbal abuse and emotional blackmail na ginagawa nila?