Good afternoon to all lawyers and reviewers!
We need legal advice po.
eto po ang scenario, PINAPALAYAS na po kasi kami sa lupa na tinitirahan namin for more than 40 years na rin po siguro. Ang nangyari po kasi, isinanla ng aming abuelo ang lupain nya sa bangko. Hindi po kami aware na isinanla ito ng lolo. Tinubos po ito ng uncle ko mula sa pagkakasanla.
Sinubukan po ng lolo at ng father ko na bayaran ang uncle sa pagkakatubos ng lupa, pero ang sabi, MAKITAYO NA LANG DAW MUNA KAMI HANGGANG GUSTO NAMIN. hindi daw nila ipinagbibili ang lupa.
Ang nakakatakot po dito, wala na ang lolo, ang father ko, at ang uncle ko na tumubos ng lupa. nakamatayan na po nila ang usaping ito. Sa ngayon po, pinapaalis na kami ng pamilya ng uncle ko sa lupa.
Ang tanong ko lang po, ganun po ba talaga kadali na mapaghati-hati nila ang lupa at mailipat sa pangalan nila, dahil lang sila ang nakatubos at nagbabayad ng amilyar nito? wala din po kasi silang pinapirmahan or kahit na anong dokumentong ipinakita sa amin na nagsasabing nailipat na ng lolo ang ownership nito sa kanila.
Ang gusto lang po kasi namin ay makuha kahit na ang parte na lamang na kinatatayuan ng bahay. anu pa po kayang legal actions or legal documents ang kailangan namin para hindi kami mapaalis?
Sana po makakuha kami ng agarang advice tungkol dito. aasahan po namin ang anumang legal advice mula sa inyo. malaking tulong na po ito para sa amin.
Salamat po!