last 2009 po nagkaroon po sya ng girlfriend muntik na po kami magkahiwalay nun pero pinatawad ko po sya. last july 2011 lang po nagkaroon na po sya ulit ng girl friend ibang babae naman po. naka text ko po yong babae nya sabi last May 2011 lang daw po sila nagsama. pero denideny po ng asawa ko na nagsama sila at sabi nya wala na daw sila ng babae.ayoko po sana na masira ang pamilya namin pero last September 10, 2011 nakita po sya ng pinsan nya nasa plaza kasama ang babae. nong nalaman ng father in law ko hinahanap nya ang asawa ko at dun nya kinuha sa bahay ng babae. sobrang sakit po sa akin naapektuhan na po ang trabaho ko.
Puedi po bang i apply ko para sa babae ang article 26 of the civil code of the phils? saan po ako puedi magreklamo?
Yong sa asawa ko, from january to August wala po syang pinadala sa amin ngayong september lang pinilit ko syang magpadala. Puedi ko bang e demand sa kanya ang kalahati ng expenses ng mga anak namin? kunti lang po yong sahod nya. mas malaki po yong sahod ko? paano kung hindi nya kaya yong expenses na hiningi ko. May nabasa din po ako sa forum dito na repeated marital infidelity is considered psychological violence under RA 9262? puedi ko ba sya kasuhan dun? paano ba ako magsimula? kailangan ba sa barrangay muna?