I am seeking for advice po. Gusto ko lang po malaman kung pwede po ba maging grounds ng demanda ang print outs ng wall sa FACEBOOK ACCOUNT?
I am currently working po sa isang medical clinic kung saan sa amin po nagpapamedical mga australia, canada, NZ and US visa applicants, sa sobrang katoxican may mga chances na magpost ako sa wall ko about sa katoxican ng mga visa applicants, at ikinagalit ito ng medical director namin. sinisira ko daw ang image ng xxxxxxx. I was so shocked nung pinatawag nya lahat ng nag-like sa mga post ko at nag-comment. pinagmumumura din nya. pinaprint po ng medical director namin lahat ng post ko sa wall ko na about katoxican lang naman ng mga visa applicants. And he told them na dadalin daw niya sa lawyer yung copy ng print outs.
Now, gusto ko po malaman kung pwede ba nila gamitin yun na grounds para idemanda ako?
kahapon po pinatawag ako ng OIC namin at sinabihan na i need to pass a written explanation within 5 days simula ng matanggap ko yung notice nila.. written explanation daw na kelangan ibigay kanila kung bakit ako nakapag-post ng mga ganon.. yesterday is wednesday.. wala po kaming pasok sa office ng weekend, and sabi nila counted daw yung sat and sun sa 5days na sinasabi nila.. I texted the HR and asked her what if the written report will be avail on the 4th of 5th day which is mag-fall ng weekend.. and I got no response from her.. today po ang effectivity ng 30 days suspension ko..
para nila akong tinotorture mentally and emotionally. na-e-stress na po ako masyado. hindi ko na po kasi alam gagawen ko dahil wala naman po ako alam sa ganito. I am 25 years old lang po and a single mom.
please do help me po and give me po advse kung ano po dapat ko gawin,
thank you so much and more power!