Gusto ko lang po magtanung sa aming sitwasyon.
Meron po kasi kami lupa na binili ng Parents sa aming probinsya nung 80's pa. Ang nasa amin ay Deed of Sale. Hindi inasikaso ng aking mga magulang ang pagtitulo dahil kami n lng mga anak nila ang gumawa pag kami nagkatrabaho at magka interes na manirahan doon. Pag umuuwi kami plagi din kami bumusita dun para manguha nga mga bunga s mga puno nakatanim doon at ito ay medyo malapit sa bahay ng amin lolo at lola.
Ngayon po nagkaroon na kmi ng mga trabaho at interes na mgpagawa ng tirahan pra baksyunan, ay nag ppproseso na para maayos ang titulo pero nabigla kami dahil may nagparehistro na raw ng titulo sa ilalim ng ibang tao.
Ang aking ama ay patay na pati na rin ang taong ng benta. At base sa aking Ina nagbabayad namn siya ng amelyar nito.
Anu po ang aming gagawing at anu po ang aming proteksyon base sa aming mga document?
Maraming Salamat,
Jon