Apat na buwan pa lang kami sa aming nililipatan at sa ngayon ay hindi pa nakakarecover sa aming mga gastusin. Wala kaming budget para makabayad sa homeowner's fee na 200pesos. Wala kong trabaho at ang asawa ko ay kakasimula pa lang ng isang maliit na negosyo na sa ngayon ay hindi pa maganda ang kita at nagbabadya ng magsara. Nagtutulungan po kami doon at nagtatrabaho ng 10am hanggang 9pm (mall hours) Monday to Sunday walang bakasyon.
Nagkaroon po kami ng hindi pagkakaunawaan sa Presidente ng Homeowner's Association sa aming tinitirhan dahil sa hindi kami makapagbayad ng homeowner's fee.
Ang nangyari po ay isang gabi, naningil ng homeowner's fee ang lady guard bandang 9pm pagkagaling namin trabaho. Sinabi namin ng maayos na wala kaming pera at naglakad palayo. Ng sumunod na gabi, naningil ulit sya at sinabi ulit namin ng maayos na wala kaming pera pero nag-insist sya na kelangan bayaran. Sinabi namin paulit ulit na wala kami pera. Paguwi namin sa bahay, sinugod pa nya kami at pinagsarhan namin ng pinto dahil gusto na namin kumain at magpahinga.
Mga ilang araw ang lumipas, nagmamadali na kami papasok sa trabaho ng galit nya kaming tanungin kung pupwede nya kaming makausap. Sinabi namin "Sorry. We're busy." at naglakad papunta sa sakayan ng tricycle. Galit nya kaming sinundan at sinigawan kami ng "YOU TALK TO ME NOW!!!" na parang naghahamon sya ng away. Nasigawan din sya ng asawa ko ng "We're Busy!" At sinabi nya "NO! YOU TALK TO ME NOW!!!" Nathreaten ang asawa ko na baka saktan nya kami parehas kapag hindi namin sya kinausap kaya tinanong nya "Do you want to fight?!" Sabi nya na hindi pero binalaan nya kami at sinabi na "YOU JUST WAIT!" Sinagot ng asawa ko na "What? Are you threatening me?" And then he said "NO! YOU JUST WAIT!" at dun sinabi ng asawa ko na "Wait for what?! Man, Fuck you! We gotta go!" Sumakay na kami ng tricycle at doon nagsimula sumigaw ng Fuck you too yung Presidente at nagdirty finger sa amin at sumigaw pa ng sumigaw habang papalayo na ang tricycle.
Pagdating namin sa trabaho, naisip ng asawa ko na bumalik sa bahay para sila magkaayos. Ngunit matapos nya tanungin kung anung gusto nya pagusapan, nagalit ang presidente dinuroduro sya habang sinasabi na "YOU HAVE TO PAY!" Inalis ng asawa ko ang pagduro ng presidente sa muka nya. Sinabi ng asawa ko na "Dont point your fingers at me!" At bigla sya naghamon ng away at sinabing "COME ON! HIT ME! HIT ME!" Hindi sya pinatulan ng asawa ko at nagtatawag pa sya ng iba pang homeowners. Akala nya pagtutulungan na sya ng mga kapit bahay namin. Hanggang sa may dumating na isang kapitbahay at sinubukan pag-ayusin ang dalawa.
Two days later, nakareceive kami ng reklamo mula sa barangay galing sa kanya. Inaakusahan nya kami ng oral defamation dahil he got humiliated daw sa harap ng ibang tao. May mga witnesses syang kasama na kanyang mga kaibigan at wala naman sila sa pinangyarihan. Bago lang kasi kami sa villa at ang tanging witness lang na meron kami ay yung tricycle driver pero hindi namin sya kilala at hindi na namin sya nakikita. Humihingi sya ng apology letter sa asawa ko pero wala naman syang kasalanan kaya hindi kami pumayag. Narinig namin na balak nya dalin ang isyu hanggang korte.
Ang mga tanong ko po:
Oral defamation po ba ang nangyari?
Kung gagawa kami ng apology letter, pupwede pa rin ba sya magsampa sa korte ng kaso at gamitin iyon ebidensya sa oral defamation?
We feel violated. Ano pong countermeasures ang pwede namin gawin?
Napagdesisyunan na namin mag-asawa na lumipat na ng tirahan pero kami ay natatakot na baka pagkatapos namin gumawa ng apology letter na hinihingi nya ay habulin pa nya kami sa korte. Hindi nga po namin alam kung ano ang ilalagay sa apology letter dahil hindi naman po namin alam kung ano ang aming kasalanan.
Sana po ay matulungan nyo kami.
Maraming salamat po sa inyong oras!
God Bless!