Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Me Karapatan ba ang mga 40 years plus na informal settlers/"squatters"..?

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

arnoldmarlo


Arresto Menor

Dear Sir/Mam,

Magandang Araw po ..Isunulat ko ito para sa ga matatanda na taga Sapangbato Angeles City. Heto ang kanilang kwento...

Nais po ko po sana idulog ang nararanasan naming problema ukol sa amin lupain na kinatatayuan n aming bahay dito sa Baryo Sapang Bato Angeles City (Pampanga).

Sa lugar po namin kasi madaming mga bahay na nakatayo at halos 40-60 yrs na nakatira ang mga tao dito (kami ay lampas 40 yrs na nakatira dito at kaming magkakapatid ay isinilang at nagkaanak na sa lugar na ito. Naging papalit palit na rin ang mga may-ari nang lupain na ito na ginawang tirahan na ng napakaraming tao. Ni minsan hindi naging abusado at pabaya ang mga tao dito walang bashean na pinagkakittan ng mga naninirahan at sa katunayan ay me sariling chapel pa.

Ngunit sa pagbibiro ng tadhana at kasamaang palad, nitong mga huling buwan ay nagsabi ang may ari na nais nya na na kuhanin ang kanyang lupain. Maaring itawag sa amin na naninirahan duon ay “squatter” dahil kami ay nakatira sa isang probadong lupain (miller estate). Me mga sugo siya na nagmimiting sa mga tao dito at nakuhang kumbinsihin ang mga tao dito sa kagustuhan nila mapaalis ang mga tao na halos puru matatanda na at hindi na masydong mausisa o matanong.

Ang sinbi ng mga alipores ni Ms Miller (itago na lang sa pangalan “koreana” at “colonel Gabriel”) ay nagexplain na mag-aallot sila ng lote sa me likuran para sa mga paalisin.

Kung susuriin po ng mabuti.. kung nasa block 1 ka, lilipat ka dun sa relocation site, ang mga ibang nasa block 2 at block 3 ay mapupunta sa block 1, at pinaliit ang mga sukat sa 75 na lang kada bahay para lahat ng bahay ay matatpyas at masira kahit papano. At yung dati kinatitirikan ng bahay mo ay mapupunta sa iba so obligadong pasira at pagawa ng bago.. Parang lumalabas sa mga tao ay hindi naman niya kelngan ang lupa kungdi kelngan lang niyang pasira ang mga bahay at pahirapan ang mga tao..

Kahit saan mo tignan ay ganun kasi kahit na me gagawin mga bagong daan (na ang mga nakatira din daw dapat ang gumawa at mag “bayanihan”) ay pinaikot lang nila mga residente sa iba ibang lugar.. ang mga hindi aalis sa lugar nila kinatitirikan ay yung malakas ke “colonel” or me kuneksyun ke colonel kasi siya ang dumidikta sa puwestuhan. Hindi ba malinaw na hindi naman kelangan pala ng mayari ang lupa kundi para lang pasakitin o takutin ang tao.

Ang aming bahay ay masisira lang ng konti pero sasakto siya sa nakasukat na mga area ngayon at me mga muon na at makikita mo na pasok siya masisira lang ang harapan at kusina sa likod pero kelngan daw kaming umalis duon kasi me lilipat na taga ibang bloke.

Marami na nag pagawa sa bagon area sa dati naming bloke kasi pinipressure sila ni “Colonel” na mag tayo at manira na ng bahay nila sa ngayon kasi lilipat sa puwesto nila ang mga napili niyan glilipat duon..walang right of way, walang kuryente at tubig na nag pwersa sa mga tao na kumunekta ang iba ng mahabang kuryente para maabutan sila ng ilaw.

Binigyan niya ng tig 75/50 sqm ang mga tao na pinalipat sa ibang area at pinagbayad ng tig 25k (walang resibo) at dahil sadyang mababait ang mga tao ay pikit matang umuo.. ni walang kasulatan o papeles ng pagbibigay o right para sa mga sinbing magkakarun.. nagpatayo na ang karamihan kahit walang papaeles na para sa akin ay hindi pa rin makatarungan..

Ninanais din ng “Colonel” na kaagaran kmi umaalis at mag patayo ng bahay ngunit wala namn pong halos sapat na pera ang mga taong naka tira sa min at hindi nya namn po binigayan ang mga tao ng Financial assistance.

Isa pa pong nagiging problema dahil sa mga kaso na isinampa ng may ari sa lupa kaya ang mga tao ay natatakot lumaban sa kadahilan meron naunang batch na lumaban sa kanya at nag demanda kaya ang ginawa nya e pina demolish nya ang mga bahay. So sa nangyari ang mga tao ay napipiltan na lamang na sundin lahat ng kanya ipinapag utos.

At isa pa nugn nagkaroon ng pag pupulong cguro dahil sa takot ng mga tao na hindi mabigyan ng lupa meron pinapirma ang may ari sa mga tao pinirmahan nila ngunit wala naman sapat na pag papaliwanag sa kanya ukol sa mga bagay na mangyayari, meron po bang bisa ang kanilang pinirmahan?. Takot po kasi ang mga tao na hindi pumirma dahil sa pag kakaalam nila kapag hindi ka pumirma hindi ka bibigyan ng sapat na lupa na lilipatan o idedemanda ka nya. Kaya ang mga tao ay lagi na lamang sumusunod sa lahat ng kanya ipapagawa.

SA mga bagay na naisulat ko po.. considering po na hindi mga professional squatters ang mga tao na naninirahan dito at naging maayos na residente lang sa lupaing inabandona (hindi inaayos ng mayari) nais po naming matanung ang mga bagay na ito:

(1) Legal/Makatao po ba na pwede naman kami magbawas ng bahay sa kintaititrikan nmin ay bakit dapat kami pasira at pagawa ng bago dahil pagpalit-palit lang pwesto naming. Dahil me ibang hindi naman umalis sa pwesto nila dahil malapit sa “Colonel”?.

(2) Pag pinaalis ka ng tirahan ng may ari ng lupa, maliban sa sinasabing dapat ay bigyan ka ng Relocation lot (tama po ba?) meron po bang inaasahang financial assistance or wala na dapat?

(3) Yung sinasabing lilipatan ba ay dapat me kasulatan at document na pirmado ng may-ari ng lupa at ng pagpapasahan? Ito ay para hindi na rin maulit ang nangyari sa kasalukuyan.. pwede ba naming pagmatigas na dapat ay me ibigay sila na papeles sa amin?

(4) Ang binibigay bang relocation lot (house/lugar) ay dapat me fasilidad ng kuryente at tubig ayon sa batas? O basta lupa lang at bahala na ang mga bingyan?

(5) Lahat kami ay natatakot mawalan ng tirahan at lupa pero sobrang mapayapa ng mga tao at hindi mahilig sa labanan.. nais lang naming malaman ang karapatan.. natatakot kaming lumantad at baka bigla kaming paginitan ng mayari at alisan pa ng pianpangakong lupa..ang mga official ng barrio ay tahimik din..


Sana po ay makatulong kayo.. lubos na gumagalang,

Residente ng Sapang bato/Balite

arnoldmarlo


Arresto Menor

Any legal advise will be highly appreciated on this as about 100 families are affected and any information will help these people a lot.. Thanks Like a Star @ heaven

attyLLL


moderator

find out if the area is covered by urban land reform

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

arnoldmarlo


Arresto Menor

Hi Sir,

The vicinity of the area has a signboard mentioning that the lot is not applied or part of the CARP.

thanks

manilenio


Arresto Menor

if the land is covered by a title, and the owner is not negligent in paying his/her real estate property tax, informal settlers will never have any right to that land.

http://www.manilenio.o.cc

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum