Separated po ako for 10 years, we got separated kasi nambabae ang asawa ko. My parents sent me back for schooling para magka-degree ako. I was able to speak to my husband before and he was blaiming me for returning his letter that he wrote when he was abroad that he did tried to fix our family again, he even sent his parents for not only once but he said so many times to settle the problem but my own family had sent them away. Ng maghiwalay kami after sometime hindi ko po alam kung kailan ang exact date, nag-sulat daw sya sa akin para sabihin na gusto nyang ayusin ang family namin, pinadala nya ng ilang beses ang parents nya sa bahay namin para makipag-ayos pero pinaalis ng magulang at mga kapatid ko. Lahat ng yan ay hindi ko alam ni hindi ko alam na nasa abroad na sya. Sinisisi nya ako noon dahil hindi ko daw sya binigyan ng chance but the truth is ni hindi ko po nakita ang itsura ng sulat na yon, ilang beses daw bumalik sa kanya abroad ang sulat.
Nang makapag-abroad ako tinulungan ko ang mga kapatid ko pero 1 dyan ay d pinalad magkatrabaho at sya ang nagcimula ng gulo pag-uwi nya sa Pinas. Nalaman ko din na mismo ang nanay ko ang nagsabi sa akin na sya ang nagbalik ng sulat ng asawa ko noon sa abroad ang rason nya is dahil iba ang pangalan na nakasulat. Ginamit kasi ng asawa ko ang apelyido nya. Ganun pa man, nasa magulang ko ang marriage contract namin at alam nilang kasal ako sa tao. Dahil na din lumaban na ako kaya nya nasabi ang lahat sa akin. Nasa kanila ang mga anak ko, ako lang ang nagpapadala ng pera sa amin dahil ang mga kapatid ko ay walang pakialam sa kanila. Ngaun na hindi nakahanap ng work ang kuya ko, nagkagulo ang lahat at ako ang masama.
Hirap kami ng mga anak ko, ang cp ng anak ko ay tinanggal ng magulang ko para hindi kami magkausap ng wala sila. Ang email at fb ng mga anak ko, magulang ko ang gumagamit sa tuwing magchachat kami, sila ang nasagot sa akin na kunwari ang anak ko ang nagsasalita. Wala kaming laya na makapagusap magiina at binebrainwash nila ang mga anak ko para magalit sa akin. Itinago na nila ang passport ng mga anak ko dahil alam nilang balak ko ng kuhanin ang mga anak ko. Ang panganay ko ay kinakailangan pa pumunta sa ibang tao para lang makausap ako, sumulat sya sa akin at sinabing hirap na hirap na sila magkapatid at sila ang naiipit. Puro masasama ang sinasabi ng magulang ko against me at sabi ng anak ko balak ng nanay ko ilayo sila sa akin.
Sa ngaun hindi po ako makauwi dahil renewal ang visa ko, nagalala ako sa paguwi ko baka wala na din akong mga anak dahil nagawa na nga nilang masirang tuluyan ang pamilya ko. Ano po ang dapat kong gawin? Hindi po ako natawag sa amin dahil ayaw ko na ng away, gusto kong ilabas nalang doon ang mga anak ko. Wala silang makuhang impormasyon sa ano mang plano ko kaya pilit nilang sinisira ako sa mga anak ko. Malalaki na mga anak ko 10 at 12 ang panganay ko ay hindi pumapanig sa kanila, ang bunso ko lang ang nabobola pa nila at nagagawang panigan sila. Kinatatakot ko lang ay paguwi ko baka hindi sumama sa akin ang bunso ko dahil sa sulat ng anak kong panganay napapaniwala nila ang bata.
Ano po ang pde kong gawin paguwi ko? Cigurado pong hindi nila ibibigay ang mga anak ko sa akin at pagtutulung tulungan nila ako. Ayaw nilang ilabas ko ang mga anak ko dahil kapag wala na ang mga anak ko doon ay wala na ding magpapadala sa kanila ng pera pangastos nila at lahat ng kailangan nila.
Please advice po.
Salamat