Good Day, I am newly registered user here. Just wanna ask regarding meralco's meter reconnection fee. Kasi nung June of 2011 me 3 unpaid bills kami with meralco, due for disconnection na sya. Pumunta ako sa meralco yakal branch sa makati para magbayad. Tinanong ako ng cashier if yung 3 bills po ba babayaran ko sabi ko naman pwede pala 2 lang muna bayaran ko, tapos sabi ng cashier pwede raw kahit me disconnection notice na. So i paid the 2 unpaid bills and left one unpaid amount. After two weeks bumisita yung disconnection team yata raw. Tinanong yung in law ko if ok ba yung bill namin kasi nag check lang sya raw. kasi wala na yung list namin for disconnection. Sinabi ng in law ko na nag bayad na kami ng dalawang bills at nag okay naman si meralco, ang nakakainis sinabi ng contractor na to na dapat fully paid lahat dapat raw ayun, dinisconnect yung meter namin. Since nalipat ako sa baguio di namin ginabayaran yung remaining bill for 2months plus. At pumunta uli yung contractor at tinangalan na kami ng electric meter. Which brings me to the questions kung magkano ang bayad pagabit muli yung meter at ano yung mga requirements para doon. Nag rent lang pala kami sa apartment na yun at nandoon pa yung in law ko nakatira kahit wala kuryente..
At pwede ko ba icomplain yung contractor na nagdisconnect ng kuryente namin kahit wala na kami sa listahan nila na for disconnection kasi pumayag naman si meralco na 2months lang yung babayaran namin sa 3 unpaid bills noong June?
Thanks,
Dan