I really need advice and further information regarding MR from Solicitor General.
First of all, na issue po yung DECREE of NULLITY OF MARRIAGE noong June 29, 2011. Sabi ng assistant ng Lawyer ko di raw muna nila ipapasa sa Solicitor General at baka maharang pa at baka magka MR(dahil daw merong Audit sa SolGen). I told them sige.. Then they told me ipinasa nila sa SolGen last 18th August, then need ko daw followup ng after 15 days para sa finality, After ika 16th day nag followup ako, sabi nila wala pa daw, then follow up ulit ako after 3days -then wala padin daw ung result. Then today(Sep 13,2011) nag follow-up ako ulit sabi nila BAD News daw... Meron daw pong MR ung case ko..
Gusto ko lang pong malaman:
1. Gaano po kaya (appox) katagal ang MR before magkaroon ng result?
2. Ano po bang Process ng MR. meron po bang dapat sagutin ang abogado ko or kami ng Ex-Wife ko?
3. Ang pagkakabasa ko po dapat within 15 days meron ng Answer ang SolGen, pero it is almost a month before sila nagsabing meron daw MR (how do i know na meron pong MR?)Di po kasi ako makapunta sa Lawyer ko kasi nandito po ako sa Dubai.
4. Is there any way po para mapabilis ang process sa SolGen?
Hoping to hear from you. Thanks po
-Jon