ganito po kasi iyon ako po ay nagtiwalang magbigay ng perang pautang sa aming kapit bahay bale sya ang naglalapit ng tao yung una ay dinadala nya pero sumunod ay hindi na at dahil tiwala naman ako na hindi nya ko lolokohin sa kanya ko na ibinibigay ang pera bale sya na ang nagpipirma ng pangalan ng tao sa akin at tumatayong co maker sya din ang tumatangap ng pera at naniningil na buong akala ko ay nakakarating sa mga tao ngunit karamihan ay hindi pala dahil lingid sa aking kaalaman ay sa kanya din napupunta at hindi nya pala binibigay ang iba ay dinadagdagan nya naman kaya pala nagtataka ko na halos wala nagbabayad.nitong huli ay isa isa ko ng nalaman ang mga ginawa nyang kalokohan. pero binigyan ko pa din sya ng pagkakataon para magbayad pero madalas nya na kong pinagtataguan at sa nakikita ko ay wala syang interes na magbayad kaya pina barangay ko na sya pero dun ay inamin nya lang ang mga kasalanan nya at binigay ang listahan ng mga pangalan ng tao na ginamit nya ang masakit yun ibang bayad ng tao na para din sana sa kin ay kinuha nya pa din ng lingid sa kin kaalaman dahil sya ang naniningil. sa barangay mismo ay sinasabi na sa kanya na malinaw na estafa ang kanyang ginawa aminado sya pero parang wala lang sa kanya kaya gusto ko ituloy ang pagsampa na ng kaso sa kanya. sa sabado ay huli kaming hearing sa lupon dahil sinabihan ako ng lupon na pag isipan kung itutuloy ko ang pagsasampa ng kaso sa kanya ay bibigyan nila ako ng certificate to file action.ano po ba ang magandang ipasulat na katibayan sa lupon bukod sa pag amin nya ng pagtangap ng pera sa kin. ano po ba ang magandang gawin? gaano po ba katagal ang proseso kasi po mahigit 100thousand ang amount.may nagsabi po na pede ko na daw syang ipadampot? paano po ba ang tamang proseso? ayoko sanang gawin ito pero sa nakikita ko ay balewala lang sa kanya ang ginawa nyang kasalanan. sana po ay matulungan nyo po ako.inaasahan ko po ang inyong pagtugon. salamat po!