Magandang araw sa inyo. Sana pagtyagaan nyo po basahin itong idudulog ko kasi i really need an advice.
Ako po ay ginawang isa sa mga witness sa isang kaso ( oral defamation ) na isinampa ng dati kong boss sa dating kumpanya na pinagtratrabahuan ko. Ang kaso ay isinampa ho nya laban sa isang production operator noong taong 2005 pa. After ho na mag appear kami sa fiscal at nagbigay ng testimonies ay hindi na nagprosper ang kaso dahil nagtago na yung taong dinemanda at hanggang sa natanggal siya sa trabaho dahil sa nag awol na sya. Wala na po akong narinig tungkol sa kaso mula noon at pagdating ng taong 2008 ho ay lumipat na ako ng kumpanyang pinagtratrabahuan. Yung dati ko naman po na boss na nagdemanda ay nagretire na sa dating kumpanyang pinapasukan namin.
Nito pong nakaraang bwan ay nakatanggap po ako ng tawag mula sa abogado ng dating pinapasukan kong kumpanya at pinakikiusapan ako na humarap sa trial ng naturang kaso dahil binuhay nila ang kaso sa dahilang hindi pa pinapaalam sa akin. Nagpahayag po ako na kung pwede ay hwag na lang dahil ayoko nang mainvolve uli sa kadahilanang natatakot ako na baka magkaroon ng threat sa pamilya ko kasi po ay medyo radical ang labor union ng dati kong pinapasukan. Pangalawa ho ay retirado na naman ang dati kong boss at hindi na konektado sa kumpanya, gayun din naman ho ako na sa iba nang kumpanya nagtratrabaho sa kasalukuyan.
Ngunit hindi sila pumayag, kung hindi daw ako makikipagtulungan ay ipapa subpoena nila ako na nangyari na nga ho dahil nakatanggap na ako ng subpoena last week na pinagaappear ako sa municipal trial court sa sept 5. Ang tanong ko po ay, paano po ang aking gagawin kung talagang ayoko na pong humarap at tumestigo sa kasong ito? Base ho kasi sa konting kaalaman ko sa batas ay pwede akong ipaaresto ng court kung hindi ako magaappear. Eh kaso ho ay wala na talaga akong kainteinterest pang humarap dahil nga ho sa mga dahilang nabanggit ko kanina. Ang naiisip ko ho ay magpadala ng sulat sa court na nagpapahayag ng pagtanggi ko na humarap doon bilang testigo sa kasong ito. O kaya naman ho ay kung haharap ho ako ay gusto ko sabihin sa kanila na limot ko na ang mga pangyayari dahil sa katagalan nito. Sa totoo lang ho ay napilitan lang naman akong tumestigo dati kasi boss ko yung nasangkot at natakot ho ako na tanggihan sya noon, Sana ho ay mapayuhan nyo ako sa lalong madaling panahon kasi po ay nalalapit na ang tinakdang petsa para sa pagharap ko sa court. Maraming salamat sa inyo.
rank