Natapos ako ng pag aaral gamit ang pangalang "Angel Cruz Jr." dahil ang pangalan ng tatay ko ay "Angel D. Cruz". 1999 kumuha ako sa NSO ng aking birth certficate, no record daw. Kaya kumuha ako ng certification sa local city civil registrar office namin ng aking birth certificate, at lumabas n pangalan ko ay "Angel Cruz" lamang at ng tatay ko ay "Lito Cruz". Kaya ginamit ko ang "Angel Cruz" sa PRC license, passport, NBI, kasal, SSS, trabaho, at iba pa. Lingid sa aking kaalaman,2002 pinapalitan ng nanay ko ang pangalan ko mula "Angel Cruz" sa "Angel Cruz Jr." sa civil registrar office sa pamamagitan lamang ng sulat kamay at ipinadala ng civil registrar office sa NSO ang nasabing pagbabago. Kaya ang nasa record ngaun ng NSO na birth certificate ko ay "Angel Cruz Jr."
Mga Tanong Ko:
1. Ano mga epekto ng paggamit ko ng "Angel Cruz" sa SSS, NBI, passport, trabaho at iba pa.
2. Mas makakabuti ba na ipagpatuloy ko ang paggamit ng "Angel Cruz" ? Bakit ?
3. Kung gagamit ko ang "Angel Cruz Jr." ano dapat kung gawin at anong mga ahensya ng gobyerno ang aking pupuntahan ?
Salamat.