Posible po bang ireklamo ng isang dating OFW (matapos ang kanyang contract, nakabalik na ng Pilipinas, lumipas na ang 12 years) ang recruiter nya dahil sa di pagsauli ng mga sinubmit nyang documents nun sa pag-apply nya sa trabaho sa abroad? Tulad ng college transcript of records, certificate of employment. Ito po kasi inirereklamo samin. Illegal recruiter daw po kami.
Required po ba na ibalik yung mga papers na un sa mga applikante? Sarado na po yung agency pinagsubmitan ng mga requirements nun lalo na 12years ago na. Valid ba sya sumingil ng pera dahil sa pagkawala ng mga papeles nya? May pinirmahan daw po kasi syang BOND na worth 20, 000 para sa mga papeles nya na ibabalik ang 20, 000 pag nawala o hindi binalik sa kanya ang mga papeles nya.
Saka po posible po ba magbigay ang aming barangay ng Certificate to File Action sa taong ito na hindi nakatira sa aming barangay? At ayaw pong sabihin kun san sya nakatira. Tama po ba na magreklamo sya kung wala naman syang valid evidence na may agreement na dapat ibalik ang mga papeles nya at may bond nga na 20,000.
Based po sa hearing sa Barangay, lumalabas po sa mga sagot at pananalita ng babaeng ito sya po ay may diperensya sya sa pag-iisip. At mukhang gusto lamang mangawarta.
Ano po ang dapat namin gawin? Malaki pong purwisyo ang binibigay samin ng babaeng ito.
Ano po itsura ng Certificate to File Action? May pinapirmahan po kasi sa tatay ko na maliit na papel na sulat kamay ng taga Barangay. Ibibigay daw un sa babae para matigil na un pagdakdak dun sa Barangay. Ang nabasa ko po dun eh acknowledgement ng presence ng both parties tapos certify to file action. Napapirma po agad ang tatay ko dahil sabe nun nag-iinterrogate/pamagitan eh para lang daw matigil un babae at wala daw saysay un papel na yun. tapos po di kami binigyan ng copy at pinauwi na kami.
Salamat po ng madami sa inyong tulong.