Magandang Araw po!hihingi po sana ako nang legal advice tungkol po sa ginawa nang aking sister in law(asawa nang kapatid nang asawa ko).Maganda naman po ang samahan namin dito kasi magkatabi lang naman ang bahay nang biyenan ko na sa kasalukuyan sila nakatira,may sarili po kami bahay katabi lang nang biyenan ko.Aang asawa ko po ay nagtatrabaho sa ibang bansa sa kasalukuyan at pauwi na po sa susunod na buwan,wala po akong kaalam alam na siniraan na nya po pala ako sa asawa ko,nalaman ko na lang po nang minsan nagchat po ako sa internet sa asawa ko galit na galit po ang asawa ko noon.kinonfront ako nanag asawa ko sa maraming bagay tulad nang madami8 daw ako ditong utang,na lumalandi daw ako dito,pinapakain ko daw nang pinaglandian ang mga anak ko,bad influence daw ang kapatid ko sa akin,gabi na daw kmi kung umuwi kung saan daw ako sumasama sa kapatid ko;Isang bagay lang ang totoo sa mga sinabi nya hindi ko namn dinideny na may mga utang po ako dito.Humantong po ito lahat nang desisyunan nang asawa ko makipaghiwalay sa akin kung totoo po na lumalandi talaga ako dito ,Nag effort po sya talaga na tumawag at magtext sa asawa ko para lamng masira ang pagsasama namin,sinasabi nya pa na hindi daw sya nakikialam nang buhay namin msyado po syang concern sa mga utang ko na niloloko ko lang daw ang asawa ko.Ano po ba ang dapat kong gawin at ano po bang kaso ang mapapataw ko sa kanya?
SALAMAT PO,UMAASA AKO NA MATULUNGAN NYO PO AKO!
SALAMAT PO,UMAASA AKO NA MATULUNGAN NYO PO AKO!