Hindi ko lang din matanggap na ang mabuti kong intensyon ay mauuwi sa ganito.. hindi rin kc ako tinutulungan ng friend ko na tinulungan.
Complicated na rin po ang ang pinagdadaanan ko sa ngayon kc aside from this problem, may another transaction pa ako with the agent. While pinaprocess kc ang papers ng property, lumapit siya sa akin to help her na makapagloan ng cash na 2M sa isang financer friend ko with the promise na ibabalik niya within a week and mag iinterest siya ng 10%. Gagamitin niya ang money to buy a land worth 2m and then resell it. May buyer na raw kc siya.. So para makasiguro na valid na may bibilihin cya sumama ako sa kanya ng magbabayran na. Valid naman ang transaction ang tax declaration ay ako ang naghawak and ang usapan namin ibibigay ko lang un once na magbabayad na siya. Nag issue rin siya ng 2 tseke para sa payment. ung first check worth 2m for the principal and ung another 200k for the interest. umabot ng 5 months pero ung pangako niya puro pangako..ako ang nagsusuffer na magbayad ng interest sa financer monthly kc hindi pumayag ang financer na check niya ang hahawakan nila kundi sa akin. monthly nagpapasok sila ng interest. Talagang lahat ng savings ko dun na napunta. may kasulatan din kme ng agent about this loan pero hindi notarized. between me and financer wala pero may tseke ako sa kanya. as of now bounced na ang na issue sa akin na agent. ang sa akin naman napopondohan ko pa but hindi ko alam kung hanggang kelan ko kakayanin... napaka laki ng effect na nagawa niya sa akin imagine, ung sa property na binibili ko nagamit nya na ang money, hindi niya pa binayran ang 2m na niloan nya. Sa situation po ba what is the best solution na magagawa ko. Just in case po na idedemanda ako ng financer pag nagbounce ang tseke ko eh may chance po ba ako na manalo sa case kc may nagsasabi na since hindi daw legal ang pagpapautang eh baka hindi manalo ang financer? Of course ayaw ko po sana umabot sa ganun kc pipilitin ko na ma pay ang 2m kc ayaw ko mawala ang trust ng financer sa akin. What case po dapat kong file sa agent kc 2 transaction ko ang nagamit niya ang money..and papano po ang process.. Thank you.