Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Anak na hindi isinama sa hatian ng estate ng decedent parents.

Go down  Message [Page 1 of 1]

Monching


Arresto Menor

Sir,

Good day, ibig ko pong isangguni sa inyo ang tungkol sa conjugal property (abaca plantation and riceland) ng aking mga late parents. Ang nanay ko po ay noong 1975 pa po namatay at ang tatay ko naman ay Feb 2011. Noong pagkalibing ng tatay namin ay doon ko lamang nalaman na ang mga nasabing conjugal property ay mayroon ng mga titulo at nakapangalan sa tatlo kong kapatid lamang at ang karamihan nito ay nakapangalan sa nakakabata kong kapatid na may asawa at nakatira sa probinsya na kalapit sa tirahan ng tatay namin. Ako po at ang isa kong kapatid na dito naninirahan sa Maynila ay hindi nila pina-alam at hindi isinama sa paghati-hati sa nasabing ari-arian.

Nangako po ang kapatid namin sa probinsya na ipagbibili ang nasabing lupain, subalit sa halip ito'y kanyang isinangla at marami siyang dahilan ng kung anu-ano na lang, kaya ang nangyayari ang pamilya lang niya ang nakikinabang sa lahat ng produkto doon.

Dahil dito kaming mga kapatid niya dito sa Maynila ay nawalan ng karapatan makapagdesisyon o makinabang sa nasabing dapat manahin.

Ano po ba ang dapat namin gawin?
Saan ba dapat namin silang mag-asawa i-reklamo?

Maraming salamat po. Godbless.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum