Nag file po ako ng RA 9262 laban sa asawa ko, yun pong non-support at emotional violence,
kasi po iniwanan niya kami ng mga anak niya at ngayon po ay napatunayan ko na mayroon siyang ka relasyon na may asawa at anak din, sinulatan na po siya ng RTC para mag file ng counter affidavid pero hindi siya nakapagsubmit nito, eto po ang aking mga katanungan:
1. anu po ang kasunod na hakbang ng rtc ngayon na hindi nakapagfile ng counter affidavit ang asawa ko.
2. maari ko rin po ba kasuhan yun babae niyang karelasyon anu po ang kaso na pwede ko po isampa?? mayroon po akong litrato na magkasama sila sa beach magkayakap at may mga witness din po ako na pinakikilala siya ng asawa ko bilang girlfriend, 2 beses ko din po sila nahuli na magkasama pero hindi sa motel kundi sa mga inuman,,, sila po ay mgkasama dati sa trabaho at sila ay nahatulan ng force resignation dahil po sa immorality inside company premises,
umamin na rin po ang aking asawa pati ang kanyang karelasyon na babae na sila ay may relasyon at kung maari daw po ay tanggapin siya ng biyenan ko bilang pang 2 asawa ng kanyang anak.
3. ngayon po ako ay buntis sa pang 3 namin anak, may mga text messages po sakin ang aking asawa na pilit niya ipinalalaglag ang bata sapagkat hindi na raw po niya ako mahal, anu po ba ang puwede ko ikaso sa kanya para dun.