I'm 5 months pregnant from Bataan,ayaw ako panagutan,hindi daw nya ito ginusto,hindi daw nya ako mahal,at itinatanggi pa nya na naging Girlfriend nya ako. Ayaw din nya ipagamit ang apelyido nya sa magiging anak nya sa akin at ayaw nya magsustento sa akin pag nanganak na ako, in short bahala daw ako sa buhay ko.
Last week nalaman ko na may nabuntis din siya sa Pasig 2 months na pregnant yung babae at yun daw ang totoong Girlfriend nya,yun daw ang pakakasalan nya. In fact,nalaman ko sa kapatid mismo nung babae na dun na tumutuloy ung Ex-Bf ko sa kanila.
Nagpunta ako sa Barangay Hall ng lugar ng lalaki para humingi ng tulong dahil wala na kami communication.
Sinabi ko na gusto ko pumirma ang lalaki ng waiver na ganito ang nakasaad:
- ipapagamit nya ang apelyido nya sa magiging anak ko
- magbibigay siya sa akin ng sustento may trabaho man or wala nilagyan ko ng price na 3thousand pesos pero magiincrease yun sa time na magaral na ang bata,nilagay ko din na ang increase ay base sa mgging gastusin ng bata at share naman kame sa expenses tig 50% kame.Di ko naman po iniaasa sa kanya lahat dahil alam kong may obligasyon din ako.
Pinatawag sya sa Barangay pero hindi siya humarap at ang dahilan nasa Maynila at naghahanap ng work, nanay at kapatid lang nya ang kumausap sa akin.(Alam din ng nanay niya na nandun siya sa isa pang nabuntis niya.)
Ngayon po payag naman ang nanay ng lalaki sa hinihiling ko,nung magpipirmahan na sabi ko po baka bandang huli isumbat sakin ng lalaki na wala siyang alam sa kasunduan dahil wala siya nung nagusap kaya po sinabi ko po sa Barangay Officer na ireschedule ang pagpirma sa waiver dahil gusto ko kaharap mismo ung ama ng magiging anak ko.
Sinabi ng nanay ng lalaki na tatanungin daw niya ang anak nya kung kelan makakauwi ng Bataan para makapagpirmahan na, ite text na lang daw ako ng Barangay Officer kung kailan ulit kame mghaharap harap. 2 weeks na po akong naghihintay wala pa din po ako balita. Wala na pong balak umuwi ng Bataan para makipagusap ang ama ng dinadala ko. Nalaman ko din po na nag aayos na siya ng kasal nila ng babae sa Pasig at nag aapply na din pa abroad ang lalaki.
Ang tanong ko po ay ito:
- Kapag nanganak ako at hindi pinirmahan ng lalaki ang likod ng birth certificate or kahit anu mang affidavit of acknowledgement, may karapatan po ba ako na idemanda siya dahil ayaw niyang kilalanin ang anak nya sa akin?
- Mahihirapan po ba ako makakuha ng child support kapag hindi nya inacknowledge ang bata?
- In case i acknowledge nia ang bata,at wala siyang work may magagawa po ba ako kung hindi pa rin siya makapagsustento sa anak ko dahil idadahilan niya na wala siyang work?
Sana po ay mabigyan nyo ako ng advice,maraming salamat po.