Pls I need help. At present, ako po ay isang Computer Instructor sa xxxxxxxal College of Paranaque na matatagpuan sa Brgy. Saxxxxxx Just accross the Evxxxxx, malapit po sa BIR Region 512.. Last summer po, binigyan ako ng aking Dean ng teaching load sa mga nursing students. Tinapos ko po yun at nakuha ko ang aking salaries ng maayos until ng ako po ay magpapa clearance na para makuha ko ang last salary ko for summer, ang college president po na si Mr. xxx ay nagtanong sa akin if ilan ang student ko. sinagot ko po siya na 12 lang p kasi yun lang po yung mga nag enroll sa subject na Nursing Informatics, sinabi pa niya sa akin, hindi po ba daw lugi ang school kasi 12 nga lang yung student ko. ang ginawa po niya, he instructed the Vice President for Finance na si Mrs. Pamexxxxrial to tell me na dapat kong ibalik ang 50% ng sweldo ko kasi daw po 12 nga lang ang students. Pero wala naman po akong pinipirmahan na memorandum na para maging kumpleto ang bayad sa sweldo namin dapat 15 or more ang students namin. Tama po ba na ibalik ang sweldo ko na nakuha ko na. ang Pagkakaalam ko p, hindi ka pwede mag implement ng Law na retor active ang bisa at kasama diyan ang memorandum pero yun po ang ginagawa ng College President namin ngayon. kinakaltas niya sa sweldo namin ng PhP700 kada sahod daw para maibalik namin ang 5,400 na sweldo namin. sinimulan na po niyang gawin ito sa aming mga faculty niya na nagturo ng summer. Pls help me naman po. pwede ninyo po ba na tulungan na rin kami na mai akyat sa National Labor Relations Commission ang problemang ito kasi isa po itong paglabag sa labor code sa pagkakaalam ko. Tama po ba ako. Sana po masagot ninyo ang aking mga katanungan.
Maraming salamt po at more power.
Pls po paki forward po ng sagot ninyo sa email address ko na nasa ibaba ng pangalan ko.
Very turly yours,
Mr. Rxxxxxxyahoo.com