Gusto ko lang pong itanong kung may karapatan pa sa bahay ang kapatid ng father ko sa bahay na nakatirik sa lupang nakapangalan safather ko..
Ganito po kasi yun..
nasa isang compound po kami na ang nakabili ng bahay at lupa ay ang lolo at lola ko na magulang ng tatay ko at ng anim pa nyang kapatid..
nang tumagal at namayapa na din ang mga magulag nila ay napagdesisyunan nilang hatiin ang lupa sa pito..ang unang hati ay napunta sa tatay ko kung saan nakatayo ang bahay na tinitirhan ng namin at ng dalawa pa nyang kapatid..yung isa walang pamilya at yung isa meron..nung kamakailan lamang ay namatay ang kapatid nyang walang pamilya kaya ang natira ay ang kapatid nyang may pamilya at ang father ko kasama kaming pamilya nya..ngayon gustong hatiin ng kapatid nya ang bahay, lagyan ng dibisyon hating hati..upang magkaroon sila ng privacy ng pamilya nya..may karapatan po ba ang kapatid ng father ko na makihati sa bahay gayong ang katwiran nila ay lupa lang daw ang amin..maari naman po bang paalisin ng father ko ang pamilya ng kapatid ng father ko upang kami naman ay magkaroon ng privacy..
maraming salamat po..mabuhay po kayo..