gusto ko lang po manghingi ng advice kung anu ang dapat gawin sa ama na hindi nagsusustento sa anak.. di na po sinusustentuhan ng ama namin ang kapatid ko na 12yrs.old. ako po ang ate nya 25 yrs.old,nagpapaaral sa kanya,gusto ko po sana manghingi ng sustento sa ama namin para tulungan ako sa pagpapaaral sa kapatid ko dahil ako na ang umako ng responsibilidad na dapat ay sya ang gumagawa,matagal na po nag aabroad sa saudi ang ama namin,dati naman po ay nagsusutento sya pero ilang taon na rin syang hindi nakakapagbigay mula ng mambabae sya sa saudi,kasal po sila ng mama ko d2.may kasunduan lang po sila na legal seperation..kinuha ko na ang kapatid ko at ako na ang nagpaaral sa kanya dahil hindi rin kayang paaralin ng mama ko sa kadahilang wala ding trabaho at masasakitin. hindi na po sumasagot sa mga tawag namin at wala na daw po syang pakialam sa amin.my pinirmahan po sila ng mama ko na katunayan na sya ay magsususutento hanggat nag aaral pa ang kapatid ko.anu po ba ang dapat kong gawin para makapagbigay sya sa kapatid ko ng sustento?may karapatan po ba ako na ako na lang ang umaksyon laban dito?pls reply po maraming maraming salamat in advance...