posible po ba maging magkaiba yung terms ng payments at same lang kami ng interest ng utang kung isang buong utang lang yun?
nakabayad na po kami ng 2 1/2 pero nagkaroon na kami ng doubt dahil hindi na consistent yung sinasabi niya. nung kinausap ulit namin siya, sinasabi na nyang hiwalay daw na utang yung mga utang namin kaya magkaiba ng terms at parehas lang kami ng interes. we decided po na dun na lang sa totoong nagpapautang kami magbabayad to know the truth.
after ilang days po, nagtext na yung tatay nyang guarantor daw ng utang at sa bangko daw nya namin ideposit yung bayad namin. dahil busy daw silang tao kaya wag na raw naming abalahin yung totoong nagpapautang...
Pwede po ba yung ginawa namin na we demand for the truth at hindi kami magbabayad hanggat hindi namin nakakausap yung totoong sinasabi nilang nagpapautang dahil hindi na kami nagtitiwala sakanila?
ang role po ng guarantor ay yung magbabayad if ever hindi po kami nagbayad di ba?
pinipilit nya po kasi na sakanya namin ideposit yung pera at tinatakot po kami na sasampahan daw kami ng kaso...
ano pong kaso ang pwede nilang isampa sa amin?
pwede po bang hindi muna kami magbayad unless hindi namin nakakausap yung totoong nagpapautang para malinaw kung magkano ba talaga dapat ang binabayaran namin?
please reply po asap. maraming salamat po