Ano po ba ang dapat na gawin sa kaso kong ito.
Bali po last April 30, 2011 nag-end ang contract ko sa Agency nato ('D Rxxxxwer Services) at almost 5 years ako sa kanila.
Ngayon po nagcheck ako sa SSS, Philhealth, Pag-ibig regarding sa contributions ko, nakita ko na hindi pa rin sya updated.
Sa SSS po buong year 2009 walang contribution at starting July 2010 hanggang ngayon ay wala rin contributions.
Sa Philhealth naman po ng magpachange ako ng status nakita ko sa form na ang huling nakarecord na employer doon ay yung dati ko pang employer bago sila.
Sa Pagibig naman po ay last year pa po ang huling contributions ko.
Sa BIR naman po ay di ko alam kung talaga bang naibibigay sa BIR.
Sa mga payslip namin lahat po ay laging may deduction sa lahat ng ito.
Last year pa po ay lagi kong pinafollow up regarding sa pag-update ng mga ito at ang sabi nila ay kung sakaling ma-end of contract ako or magresign ay i-uupdate nila lahat ito. Pero hanggang ngayon at wala na ako sa kanila ay di pa rin po updated.
Sa pagkakaalam ko po ay lahat kaming under sa Agency nato ay pare-parehas ang problema.
Ano po ba ang dapat gawin sa bagay nato.
Maraming Salamat po.